Sa inilabas na pahayag ng Sanofi, sinabi nilang nakarating na sila ang posisyon ng FDA kaugnay ng kontrobersya sa Dengvaxia.
Dahil anila dito, makikipagtulungan sila sa FDA upang ma-review ang magiging implementasyon ng kanilang kautusan.
Patuloy din silang hihingi ng “constructive and transparent dialogue” sa FDA kaugnay ng isyu.
Samantala, tiniyak naman ng Sanofi sa publiko na walang nilalaman na anumang virus ang Dengvaxia na maaring magbigay ng dengue o severe dengue sa mga tao.
Giit ng Sanofi, kung hindi pa nagka-dengue ang isang tao, hindi naman ito magkakaroon ng dengue oras na maturukan.
Matatandaang naglabas ang FDA ng advisory na nag-uutos na suspindehin ang bentahan, distribusyon at marketing ng Dengvaxia, kasabay ng pag-alis nito sa merkado.