SALN ni Chief Justice Sereno hindi naisumite ng JBC sa House Justice Committee

Inquirer file photo

Bigo ang Judicial and Bar Council (JBC) na maisumite sa House Justice Committee ang kopya ng Statement of Assets Liablities and Networth (SALN) ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon Atty. Annaliza Ty-Capacite, JBC Executive Director, magkakaroon ng executive session ang JBC en banc sa araw ng Huwebes upang pag-usapan ang subpoena na ipinalabas ng komite.

Mayroon anyang guidelines na pinaiiral ang Supreme Court kaugnay sa pagsasapubliko ng SALN ng mga mahistrado

Bukod pa ito sa hindi naman anya siya ang nangangalaga ng kopya ng mga SALN ng mga nag-apply upang maging mahistrado.

Ang record anya ay nasa Office of Recruitment Selection and Nomination ang mga kopya ng hinihinging dokumento ng komite sa ilalim ni Atty. Soccoro Ingping dahilan upang imbitahan din ito ng komite.

Kinuwestyon ni Justice Committee Vice Chairman Vicente Veloso ang desisyon na ito ng JBC dahil may utos na ang Supreme Court na dumalo at makig-tulungan sa impeachment hearing ang mga mahistrado at kawani nito at may desisyon na din itong ilabas ang mga hinihinging dokumento ni Atty. Gadon para sa impeachment.

Balak naman ni Cong. Rey Umali na kwestyunin ito direkta sa JBC sa en banc sa Huwebes na kanyang dadaluhan bilang Chairman ng House Justice Committee.

Read more...