nagkakahalaga ng P8.7 Billion.
Sa ihinaing Senate Resolution No. 561 ni Pacquiao, nais nitong paimbestigahan ang diumano’y maling sistema na nauuwi sa katiwalian kaugnay sa proyekto ng DPWH sa General Santos City.
Bukod sa bayaw ng dating Pangulong Aquino, ipapatawag din sina dating Public Works Secretary Rogelio Singson at dating Budget Secretary Butch Abad.
Nauna nang idinawit ang tatlo ng testigo na si Roberto Catapang Jr. na iprinisinta ng DOJ na umano’y saksi sa mga anomalya sa road right of way.
Sa alegasyon ni Catapang, ang pangalan umano ni Cruz ang madalas na binabangit ng mga sindikato na kumukulekta ng kompensasyon sa road right of way na para sana sa mga tunay na apektado ng konstruksyon ng national highway sa General Santos City.