Atty. Gadon pinagpapaliwanag sa akusasyon ng posibleng suhulan sa ilang senador

Inquirer photo

Pinagpapaliwanag ni House Justice Committee ang complainant sa impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Limang araw ang ibinigay ng komite kay Atty. Larry Gadon upang ipaliwanag ang kanyang ibinunyag na may isang oligarch ang manunuhol ng P200M sa bawat Senador para ma-acquit si Sereno sakaling iakyat sa Senado ang impeachment.

Binalaan naman ni Quezon City Rep. Bingbong Crisologo na maaaring ipa-cite in-contempt ng Justice Committee si Gadon dahil sa ginagawa nitong mga pahayag.

Sa pagpapatuloy na pagdinig tinalakay naman ngayon ang pag-upo lamang ni Sereno sa survivorship benefits ng mga spouses ng mga justices at judges.

Suportado ng batas ang pagbibigay ng retirement benefits sa mga naiwang asawa ng mga yumaong mahistrado at hukom sa ilalim ng RA 910 as amended by RA 9946.

Aabot sa 29 applications ng mga surviving spouse ang hindi inaksyunan ni Sereno sa kabila ng naging request dito ni Marquez na madaliin ang pabibigay ng benepisyo sa mga surviving spouses.

Read more...