Susuportahan ni Sen. Risa Hontiveros ang gagawing imbestigasyon ng Senado kaugnay sa posibleng naging kapabayaan sa pagbakuna ng Dengvaxia vaccine kahit hindi pa tapos ang clinical trial nito.
Ayon kay Hontiveros, na dating Chairperson ng Senate Committee on Health na dapat umanong mapalutang sa gagawing imbestigasyon kung nagkaroon ba ng kapabayaan lalo at lumalabas na nagmadali ang Department of Healt sa vaccination program laban sa dengue
Paliwanag pa ng Senadora, susuportahan din niya kung sisilipin din sa gagawing imbestigasyon kung may sangkot na korapsyon sa usapin ng Dengvaxia anti-dengue vaccine kahit sino pa ang tamaan maging sa nakalipas o kasalukuyang administrasyon
Giit ng mambabatas, kailangang mapanagot ang may sala at kapabayaan sa usapin ng Dengvaxia lalo at kapakanan ng mga bata ang pinag-uusapan.