Hakbang ito ng Department of Health (DOH) sa gitna ng kontrobersyal na bakuna sa dengue na Dengvaxia.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ang bagong set ng mga bakuna ay para sa mga sakit na trangkaso, Japanese encephalitis, tetanus at measles o tigdas.
Ang nasabing mga bakuna ay ibibigay sa 2018 sa milyun-milyong mga school children, sanggol, buntis at matatanda.
Sinabi ni Duque na napatunayan naman na walang problema sa nabanggit na mga bakuna at mabibigay nito ang kaukulang proteksyon laban sa nasabing mga sakit.
Noon pa anya ginagamit ang mga naturang bakuna at kailangang ituloy para sigurado na ang mga bagong panganak na sanggol ay protektado rin kagaya ng mga nauna nang nabigyan ng bakuna.