Rollback sa produktong petrolyo, asahan ngayong linggo

 

Inquirer file photo

Inaasahang magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng rollback sa presyo ng ilang produktong petrolyo anumang araw ngayong linggo.

Batay sa inisyal na impormasyon, 25 hanggang 45 centavos ang kaltas sa kada litro ng gasolina.

Aabot naman sa 40 hanggang 55 centavos ang posibleng bawas sa bawat litro ng diesel at kerosene.

Sa mga oras na ito, wala pang oil company ang nag-aanunsyo ng price adjustment ngunit inaasahang ipapatupad ang rollback anumang araw.

 

Read more...