P1M reward, inialok para mahuli ang suspek sa pagpatay sa university president sa CDO

FB Photo

Nag-alok ng P1 milyong pabuya ang city government ng Cagayan de Oro para sa ikadarakip ng mga suspek sa pagpatay kay University of Science and Technology of Southern Philippines (USTP) President Dr. Ricardo Rotoras.

Si Rotoras ay tinambangan ng dalawang hindi nakilalang salarin sa harapan ng kaniyang bahay sa Gold Glow North sa Barangay Upper Carmen noong Sabado ng madaling araw.

Ang paglalabas ng reward ay inanunsyo ng Cagayan de Oro City government upang makatulong sa mabilis na pagresolbra ng krimen.

Sa ngayon, wala pang lead ang mga otoridad sa dalawang suspek.

Isa naman sa tinitignang anggulo ay ang posibilidad na may kaugnayan sa trabaho ni Rotoras ang pagpaslang sa kaniya.

Noong Lunes, nag-alay ng misa ang mga guro, staff at estudyante para kay Rotoras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...