Katy Perry, magco-concert muli sa Pilipinas

Babalik sa Pilipinas sa susunod na taon para sa isang concert si Katy Perry.

Kabilang ang bansa sa magiging bahagi ng tour ni Katy na may titulong “Witness: The Tour”.

Sa April 2, 2018 nakatakda ang concert na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena

Ayon sa anunsyo ng Ovation Productions, sa December 1 magsisimulang ibenta ang ticket para sa nasabing concert.

Sa tweet naman ng Manila Concert Scene, ang halaga ng ticket para sa nasabing concert ni Katy Perry ay nagkakahalaga ng P2,640; P6,870; P13,200; P16,370 at ang pinakamahal ay P19,540.

Maliban sa Pilipinas, kasama din sa Asian leg ni Katy ang Tokyo, Japan sa March 27 at ang Jakarta, Indonesia sa April 14.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...