Sa halip ayon sa Department of Trade and Industry, bumabalik lang sa dati ang halaga ng manok bago ang avian flu outbreak sa Central Luzon.
Ayon kay Trade Undersecretary Teodoro Pascua, ang presyo ng manok ngayon na P130 hanggang P150 kada kilo ay ang presyo ng manok bago magkaroon ng avian flu virus may ilang buwan na ang nakakalipas.
Sinabi pa ni Pascua na ang mga pahayag ng mga nagtitinda ng manok na posibleng tumaas pa ang presyo ng manok ngayon holiday season ay maaring sariling diskarte na lang para makabawi sa matumal na benta dahil sa bird flu outbreak.
Sinabi ng opisyal patuloy silang nakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) para sa presyo at suplay ng manok ngayon holiday season.