Maliban dito, inatasan din ng FDA ang Sanofi na ihinto sa lalong madaling panahon ang pagbebenta, distribution, at marketing ng Dengvaxia.
Maging ang mga isinasagawang information dissemination campaign ng Sanofi para sa nasabing produkto ay ipinatitigil na ri ng FDA.
Bago ang nasabing kautusan ng FDA, sa press briefing ng Sanofi noong Lunes ng tanghali sinabi nitong bagaman itinigil na nila ang pagbebenta ng produkto ay hindi pa sila nagsasagawa ng recall.
had been no product recall.
“In order to protect the general public, the [FDA] immediately directed Sanofi to… cause the withdrawal of Dengvaxia in the market pending compliance with the directives of the FDA,” ayon sa utos ng FDA.