Handa ang Department of Health sa class suit na isasampa ng mga magulang kaugnay sa Dengvaxia o ang anti-dengue vaccine na ibinigay sa may pitumpong daang libong bata sa bansa.
Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Department of Health Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy na prerogative ng mga magulang na maghain ng kaso.
Pero ayon kay Lee Suy, walang ibang hinangad ang DOH kundi mabigyan ng proteksyon ang mga bata laban sa dengue.
May mga dokumento aniya ang DOH na magpapatunay na maayos naman ang pagbakuna sa mga bata.
Nauna nang inamin ng Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia na walang garantiya na hindi na tatablan ng dengue ang mga batang nabakunahan ng naturang vaccine.
Ayon kay Lee Suy, “We’re ready for that. Kasi nga sabi nga natin prerogative ‘yan ng mga magulang o ng mga tao…. sabi nga, the Philippines, the DOH, ang intention is really to provide protection — na ganitong concern. We’re ready. May mga dokumento naman kami na magpapatunay naman na maayos naman lahat”.