Face-off ng mga opisyal ng DOTr at PISTON sa Senado hindi natuloy

Inquirer photo

Pinagbigyan ni Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services ang kahilingan ni Transportation Sec. Art Tugade na ipagpaliban ang nakatakda sanang hearing sa phase out ng jeepney sa Senado sa darating na Huwebes.

Ayon kay Poe, nakiusap umano sa kanya si Tugade na iurong ang pagdinig at imbes na ngayong Huwebes ay gawin nang sa Lunes, December 11 bunsod na rin umano ng mga naunang schedule ng kalihim

Maliban dito, iginiit ni Tugade na dumalo sa ginawang pagdinig ng Congressional Oversight Committee on Civil Aviation na nalaman lamang nito ang ikinakasang pagdinig sa report sa media

Hindi itinuloy ng transport group na PISTON ang dapat sana ay tigil-pasada ngayong araw at bukas dahil na rin sa pangako ng senadora na magsasagawa ng pagdinig ukol sa jeepney modernization program ng pamahalaan.

Isa ang PISTON sa mga grupong tutol sa nasabing panukala.

Read more...