Ito’y matapos nilang makumpleto ang dalawang buwang reorientation at retraining ng mga pulis na ginanap sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Sa kabuuan, aabot sa 1,072 ang bilang ng mga pulis ang sumailalim sa programa, pero 972 lamang sa kanila ang nakapasa.
Ang 104 sa kanila ay bumagsak, kabilang ang 29 na inirekomendang i-assign sa labas ng Metro Manila, umaabot naman sa 41 ang muling sasailalim sa training, at 34 naman ang hindi na umano ‘fit’ para tumuloy pa sa police service.
Pinaalalahanan naman ng PNP ang mga pulis-Caloocan na isapuso at isaisip ang ginawang retraining sa kanila para hubugin ang kanilang karakter.
Matatandaang isinailalim ang mga pulis sa retraining program kasunod ng kontrobersyal na pagkamatay nina Kian Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz sa mga police operation.