Suhol para para maabswelto si Sereno tsismis lang ayon kay Lacson

Kumbinsido si Sen. Ping Lacson na tsismis lang at hindi dapat paniwalaan ang mga mga panibagong alegasyon ni Atty. Larry Gadon na naghain ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa pahayag ni Gadon, mayroon umanong kumakausap sa mga senador pabor kay Sereno para i-acquit ito sa inaasahang pag-akyat ng impeachment sa Senado na gaganap bilang impeachment court.

May inilaan umanong malaking halaga ng pera para lamang maabswelto ang Punong mahistrado sa reklamo.

Patutsada ni Lacson, tulad ng mga testimonya nito sa Committee on Justice sa Kamara, maaring sabihing triple hearsay ang panibagong alegasyon ni Gadon laban sa mga senador na wala naman umanong sapat na basehan.

Sinabi pa ni Lacson na gusto nilang pagpaliwanagin si Gadon hingil sa kanyang panibagong akusasyon.

Read more...