Malacañang nanindigan na hands-off sila sa Sereno impeachment case

Mismong ang mga mahistrado sa Supreme Court at hindi ang Malacañang ang dumidikdik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat na titigan ang Malacañang dahil hindi naman galing sa kanilang hanay ang mga inilalabas na ebidensya sa impeachment proceedings na kinakaharap ngayon ng Punong Mahistrado.

Sinabi pa ni Roque na bahala na rin ang House Committee on Justice na magdetermina kung may sapat na basehan ang impeachment complaint para iakyat sa Senado na tatayong impeachment court.

Iginiit pa ni Roque na bahala na rin ang mga kinauukaln na maglatag pa ng ibang ebidensya laban kay Sereno.

Una nang inaakusahan si Atty. Larry Gadon na siyang naghain ng impeachment complaint at maging ang mga kongresista na fishing expedition ang kanilang ginawa dahil sa impeachment proceedings pa sila naghahanap ng ebidensya laban sa Chief Justice.

Read more...