Dengvaxia dadaan sa re-evaluation ng WHO

AP

Uulitin ng World Health Organization ang pag-aaral nito sa kaligtasan ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia na gawa ng pharmateutical firm na Sanofi Pasteur.

Kasunod ito ng pag-amin ng Sanofi na delikado ang kanilang bakuna sa mga hindi pa nagkakaroon ng dengue.

Matatandang sa position paper na WHO noong July 2016, conditional recommendation ang ibinigay ng organisasyon para sa Dengvaxia at inirekomenda lamang na gamitin sa mga lugar na may matinding kaso ng dengue.

Ang full review ay isasagawa ng kanilang Global Advisory Committee on Vaccine Safety at Strategic Advisory Group of Experts (SAGE) na siya ring magpapalabas ng revised guidelines kaugnay ng paggamit ng Dengvaxia.

Dahil sa pag-amin ng WHO at habang hindi pa natatapos ang kanilang pag aaral ay inirekomenda nito na bakunahan lang ng Dengvaxia ang mga batang una nang tinamaan ng dengue.

Read more...