Natanggap ito ng mamamahayag noong Biyernes ilang araw matapos na tumestigo sa pagdinig ng Kamara sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa dalawang magkaparehong text messages na natanggap ni Canlas ay sinabi ng texter na tatlo silang papatay sa nasabing reporter..
Marami na umano siyang kasalanan sa kanila at pinayuhan na magbilin na sa kanyang asawa at anak
Idiniin pa ng anonymous sender na hindi ito pananakot at totohanin nito ang banta .
Kaugnay nito nakatakdang dumulog si Canlas sa Manila Police District para ipa-blotter at ipaalam sa National Bureau of Investigation ang nasabing pagbabanta.
MOST READ
LATEST STORIES