Engkwentro ng AFP at NPA sa Batangas pinaiimbestigahan ng Gabriela sa CHR

Inquirer file photo

Hiniling ng Gabriela Partylist sa Commission on Human Rights na imbestigahan ang engkwentro sa pagitan ng sinasabing mga miyembro ng New People’s Army at militar sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa Gabriela kailangang masusing maimbestigahan ng Commission on Human Rights ang nasabing operasyon ng militar na ikinasawi ng labinlimang sinasabing NPA members.

Kabilang sa mga napatay ang estudyante ng UP Manila na si Josephine Lapira.

Dapat anyang maimbestigahan ang insidente upang makatulong sa pamilya ng mga nasawi na makamit ng mga ito ang katarungan.

Magagamit ayon sa Gabriela ang resulta ng imbestigasyon sa pagsasampa ng kaso sa korte dahil sa ginawang paglabag ng militar sa karapatang pantao ng mga nasawi.

Read more...