NBI inatasan na imbestigahan ang anti-dengue vaccination drive na ginawa ng DOH

Radyo Inquirer file photo | Wilmor Abejero

Nagpalabas na ng Department Order si Justice Sec. Vitaliano Aguirre II para pormal na atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa isinagawang anti-dengue vaccination drive ng Department of Health (DOH).

Inatasan din Aguirre ang NBI na magsagawa ng case build-up hinggil sa posibleng anomalya sa nasabing programa.

Partikular na pinatutukoy ni Aguirre ang banta sa kalusugan ng mga nabakunahan sa anti-dengue vaccination program ng DOH.

Damay din sa pinaiimbestigahan ang Sanofi Pasteur na manufacturer ng Dengvaxia.

Kasabay nito, binilinan ni Aguirre ang NBI na magsumite ng report sa DOJ hinggil sa gagawing imbestigasyon.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...