Team members ng Ateneo Blue Eagles, tatanggap ng iPhone X mula kay MPV

FB PHOTO | ADMU

Tatanggap ng iPhone X mula kay Manny V. Pangilinan ang bawat miyembro ng Ateneo Blue Eagles.

Regalo ito ni Pangilinan sa team matapos ang tagumpay kagabi sa UAAP Season 80 men’s basketball kontra sa La Salle Green Archers.

Sa tweet ng official student publication ng Ateneo de Manila University na “The Guidon”, si Pangilinan mismo ang nag-anunsyo ng kaniyang regalo matapos ang do-or-die game.

Maliban sa iPhone X, nangako din si Pangilinan na ililibre niya ang team ng trip to Hong Kong.

Ayon kay Pangilinan, noon pa man ay espesyal sa kaniya ang Blue Eagles.

Si Pangilinan ay nagtapos sa Ateneo De Manila University ng Bachelor of Arts degree in Economics.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...