Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, posibleng mayroong pananagutan ang kumpanya at inaaral na ngayon ng legal services group ng DOH ang kontrata sa Sanofi para malaman ang detalye nito.
Patuloy pa ring hinihintay ng DOH ang tugon ng Sanofi Pasteur hinggil sa paglilinaw na hinihingi ng ahensya.
Sa kabuuan, umabot sa 733,000 na estudyante mula sa mga public elementary school sa Regions III, IV-A at National Capital Region ang nabakunahan ng Dengvaxia.
Sa nasabing bilang, sinabi ni Duque na 10 hanggang 20 percent ang hindi pa nagkaka-dengue.
Una nang sinabi ng Sanofi na ang bakuna ay maaring magdulot ng “severe disease” kung ang matuturukan nito ay hindi pa nakakaroon ng dengue.