Jose Abad Santos, Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.3 na linol ang Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Naganap ang lindol sa 242 kilometers South ng Jose Abad Santos, alas 6:26 ng umaga ng Lunes, Dec. 4.

Ayon sa Phivolcs, may lalim na 127 kilometers ang lindol.

Dahil may kalaliman, wala namang namonitor ang Phivolcs na intensities sa nasabing pagyanig.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...