3 bata, patay sa rifle grenade sa Davao City

 

Tatlong paslit ang nasawi makaraang masabugan ang mga ito ng rifle grenade na kanilang pinaglaruan at inihagis pa sa apoy sa Davao City.

Ayon sa Davao City police office, naganap ang trahedya sa Barangay Daliaon plantation sa Toril District Linggo ng umaga.

Naglalaro umano ang mga bata nang matagpuan ng mga ito ang isang rifle grenade at sinimulang paglaruan.

Matapos ito, inihagis pa ng mga bata ang granada sa apoy kaya’t tuluyan itong sumabog.

Dahil dito, tinamaan ng shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na dahilan ng agarang kamatayan ng mga ito.

Read more...