Sa naturang ‘App’ maaring malaman ng publiko ang kanilang karapatan sa pamamagitan lamang ng kanilang cellphone.
Tatawaging ‘Know Your Rights App,’ maaring i-download ng libre ang naturang mobile application at mabuksan ng sinuman kahit walang internet connection.
Ayon kay PNP Human Rights Affairs Office (HRAO) head, Chief Supt. Dennis Siervo, magiging laman ng ‘app’ ang ilang mga anti-torture information at ang Miranda Rights.
Makikita rin aniya dito ang mga pangunahing karapatan ng isang sibilyan at ang alituntunin sa police operations procedures.
Ayon sa PNP, ito ay bahagi ng kanilang hangaring patuloy na bigyang pahalaga ang karapatang pantao ng mga sibilyan.