Lima sugatan sa banggaan ng truck at van sa Maynila

MANILA – LIMA ang sugatan sa salpukan ng UV Express at trailer truck sa panulukan ng Taft Avenue at Ayala sa Maynila.

Nangyari ang aksidente kaninang pasado alas kuwatro ng madaling araw kung saan nawasak ang van at nabasag ang mga salamin.

Sa salaysay ng nakasaksi sa aksidente, mabilis umano ang takbo ng truck at beating the red light pa o tumawid sa intersection kahit nakakulay pula na ang traffic light.

Ayon sa isang hindi napagkailalang pasahero, 11 segundo pa na naka-go ang lane nila nang salpukin sila ng truck.

Agad namang naharang ang truck sa UN Avenue corner Quirino at kusang sumuko sa mga pulis ang driver na agad na dinala sa Manila Traffic Bureau para imbestigahan.

Samantala, bahagyang natagalan ang pagrescue sa mga sugatan.

Halos isang oras pa bago dumating ang rescue team sa lugar. Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero at driver ng van at dinala sila sa Ospital ng Maynila para malapatan ng lunas.

Read more...