Sa isang joint statement ipinahayag nina Senador Bam Aquino at Senador Francis Pangilinan ang kanilang pagkundena sa pamamaslang.
Ayon sa dalawang senador, malapit nilang nakatrabaho si Rotoras upang maipasa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act habang ito ay nanungungkulan bilang PASUC president.
Sa ilalim ng naturang batas na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong August 3 ay mabibigyan ng libre at kaledad na tertiary education ang mga kabataan na mag-aaral sa mga state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs), at state-run technical vocational institutions.
Anila, malaking kawalan si Rotoras sa pagtutulak ng bansa para sa kaledad na edukasyon para sa bawat isang Pilipino.
Dagdag pa ng mga senador, tinatawagan nila ang mga otoridad na siguraduhing madadala sa hustisya ang pagkamatay ni Rotoras at maparusahan ang sinumang may sala.