Dalawang drug suspects, arestado sa Albay

Arestado ang dalawang tulak ng iligal na droga matapos magkasa ng entrapment operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Barangay Bitano sa bayan ng Legaspi sa Albay.

Kinilala ang mga suspek na sina Ameroding Cadayon, tatlumput apat na taong gulang at Marco Antonio Valenzuela, dalawamput siyam na taong gulang.

Narekober mula sa dalawa ang 236 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Ayon kay PDEA director general Aaron Aquino, nasa drug watch list na hawak ng kagawaran si Cadayon.

Read more...