Isang retiradong guro, patay sa pamamaril sa Ilocos Sur

Dead on the spot ang isang retiradong guro matapos itong barilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Sta. Lucia, Ilocos Sur.

Kinilala ang biktimang si Felix Bernales, pitumpung taong gulang.

Ayon kay SPO1 Nestor Tappal Jr., batay sa kanilang imbestigasyon, nasa loob ng isang tricycle is Bernales nang ito ay barilin ng riding in tandem.

Pinaniniwalaang mula pa lang sa Barangay Nagtablaan ay sinundan na ng mga suspek ang biktima.

Maswerte namang hindi nasaktan sa insidente ang driver ng tricycle na si Florendo Valdez.

Ayon sa mga otoridad, isa sa kanilang tinitingnang anggulo ng krimen ang away sa lupa.

Read more...