Budget ng OVP, tinaasan pa ng Senado ng P100M

Naglaan pa ang Senado ng dagdag na 100 milyong piso para sa 2018 budget ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

Ang dagdag na pondo ay bahagi ng pag-amyenda ng mga senador sa proposed 3.767 trilyong pisong national budget ng bansa sa susunod na taon.

Mula sa 443.9 milyong pisong budget na ipinasa ng mababang kapulungan ay itinaas ito ng Senado sa 543.9 milyong piso.

Gayunpaman, pinanatili ng Senado ang naaprubahan na ng Kongresong budget ng tanggapan ni Pangulong Duterte na 6.031 bilyon.

Ang naturang budget ay mas mababa sa 20 bilyong budget ng Office of the President noong 2017 kung saan ang nasa 15 bilyon ay ginamit para sa hosting ng bansa sa ASEAN.

Read more...