DepEd, makikipag-ugnayan sa DOH para mamonitor ang 700k na estudyanteng nabakunahan ng Dengvaxia

Makikipag-ugnayan ang Department of Education (DepEd) sa Department of Health (DOH) upang mamonitor ang lagay ng mga estudyanteng nabakunahan ng Dengvaxia.

Ayon sa DepEd, umabot sa 733,713 na mga mag-aaral ang nabakunahan ng dengue vaccine.

Sinabi ng kagawaran na sisiguruhing mababantayan ang kalusugan at kaligtasan ng mga bata matapos ang mga napaulat na maaaring panganib na maidulot ng bakuna.

Makikipagtulungan din ang DepEd sa DOH sa mga gagawing konsultasyon at pagsusuri sa naturang dengue vaccination program.

Ipinatupad ang implementasyon ng nasabing programa noong nakaraang school year kung saan nabakunahan ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa Grade 4, siyam na taong gulang at pataas.
Nauna ng sinabi ng Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia na maaaring may mas malalalang sakit ang dumapo sa nakatanggap ng bakuna.

Read more...