Calayan, Cagayan, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Niyanig ng Magnitude 4.4 na lindol ang Calayan, Cagayan kaninang alas 2:50 ng madaling araw.

Nauna nang inilabas ng Phivolcs batay sa kanilang Earthquake Information No. 1 na may lakas ang pagyanig na Magnitude 4.0 ngunit itinaas ito sa Magnitude 4.4.

Ayon sa Phivolcs, may lalim ang lindol na anim na kilometro at tectonic ang dahilan.

Naitala ang Intensity I sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Hindi naman inaasahan ang pagkasira sa mga ari-arian dulot ng pagyanig.

Wala ring inaasahang mga kasunod na pagyanig o aftershocks.

Read more...