Pinag-aaralan ng transport group na Piston kung ipagpapatuloy nila ang panbagong dalawang araw na tigil-pasada sa Lunes at Martes.
Ayon kay Piston national president George San Mateo, ikinukunsidera nila ang apela ni Senador Grace Poe na huwag ituloy ang tigil-pasada.
Bukas nakatakdang maglabas ng desisyon ang grupo kaugnay nito.
Kasabay ng panawagan ni Poe, inimbitahan niya rin ang Piston na dumalo sa pagdinig ng Senate committee on public services sa Huwebes. Ikinagalak naman ng grupo ang imbitasyon.
Aniya, nais niyang talakayin ang mga usapin sa modernization program at nais ding madinig ng Senado ang ibang panukala mula sa iba’t ibang stakeholders.
Samantala, nilinaw naman ni San Mateo na hindi ang kabuuan ng programa ang kanilang kinukundena.
Aniya, nais ipakita ng Piston sa publiko na ginagamit umano ng mga korporasyon ang modernization program para hawakan ang public transportation sector.