Martial law sa Mindanao ipinatitigil na ng ilang Senador

Kinontra ng mga senador sa minorya ang pagpapalawig ng batas-militar sa Mindanao.

Ipinahayag ng Senate Minority bloc na kinakailangang bawiin na ang martial law sa rehiyon sa lalong madaling panahon para maituon ang pansin sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Giit ng mga senador, wala nang rason para patagalin pa ang batas-militar sa Mindanao ngayong malaya na sa Maute group ang Marawi City.

Anila, sa halip, kinakailangang mapabilis ang rehabilitasyon ng lungsod para matulungan ang mga Maranao na ibalik sa normal ang kanilang buhay.

Dagdag ng mga senador, handa silang suportahan ang mga plano at programa ng gobyerno para sa pagbangon ng Marawi.

Ang Senate Minority bloc ay binubuo nina senators Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Bam Aquino IV, Risa Hontiveros, at Antonio Trillanes IV.

Read more...