Wanted na rapist sa Maynila nahuli ng MPD

Arestado ang notorious rapist sa Malate, Manila sa ikinasang operasyon ng mga pulis.

Mag-a-alas:7:00 ng gabi ng Biyernes, nadakip ang suspek na si Rosendo Bojocan ng mga tauhan ng Arellano Police Community Precinct sa Villa San Antonio, Singalong St. Malate matapos makatanggap ng sumbong na nakabalik na sa lugar ang nagtagago na suspek.

Kuwento ng isa sa mga biktima nito na si alyas Maricar, gabi ng July 2016 nang gahasain sya ni Bohocan sa kanilang bahay.

Tiyempo raw na kakaalis lamang ang kanyang mister nang mangyari ang insidente dahil sumalisi ang suspek sa nakabukas nilang pinto.

Habang nakahiga nagtaka na lamang daw sya ng biglang may yumakap sa kanya at nagyaya ng romansa na sa unang akala nya ay kanyang asawa na bumalik sa bahay.

Tinutukan sya ng suspek ng kustilyo sa leeg at tinakot na papatayin kapag hindi pumayag na magpagalaw.

Nagbanta rin ito na papatayin ang 3 niyang anak kaya pumayag na sya.

Pag-amin naman ng suspek totoong nagahasa nya ang biktima at nagawa nya lang daw ito dahil nalasing isya sa alak.

Ayon kay Chief Insp. Paul Sabulao, matapos lumabas ang warrant of arrest ng suspek ay nagpalipat-lipat na ito ng lugar kaya natagalan ang pagdakip dito.

Sa kulungan ng Manila Police District Station 9 ang bagsak ngayon ng suspek na nahahrap sa kasong rape.

Umapela naman ang MPD sa mga posible pang mga naging biktima ng suspek na magtungo sa kanilang tanggapan para madagdagan ang kaso ni Bojocan.

Read more...