Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang resulta ng kanilang imbestigasyon na nagresulta sa pagkaka-paralisa sa operasyon ng Bank of the Philippine Islands (BPI) noong Hunyo 6 hanggang 7.
Sinabi ng BSP na may nakita silang pagkakamali ang BPI na nagresulta sa glitch na nagresulta sa internal processing error ng nasabing bangko.
Ipinaliwanag ni BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier na nakumpleto na nila ang isinagawang imbestigasyon.
Mayroon na ring inirekomendang sanctions ang BSP para sa ilang tauhan ng BPI na nasa likod ng nasabing error.
Nauna nang sinabi ni BPI President at CEO Cezar Consing na naapektuhan ng glitz ang kanilang buong sistema sa buong bansa noong Hunyo pero hindi ito isang uri ng computer hacking.
Sa isinagawang imbestigasyon sa Senado at Kongreso ay napag-alaman na ilang mga depositors ang biglaang nag-iba ang record sa kanilang mga deposito pero kalaunan ay naibalik rin ito sa kanilang ng BPI.