Bakuna kontra dengue ipinagtanggol ni dating DOH Sec. Garin

AP

Nanindigan si dating Health Sec. Janette Garin na ligtas ang bakuna sa dengue na Dengvaxia na gawa ng pharmaceutical firm na Sanofi.

Noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay ang Dengvaxia rin umano ang kanilang ginamit sa mga immunization program ng DOH.

Reaksyon ito ni Garin makaraang ipagtulos ni Health Sec. Francisco Duque na itigil muna ang paggamit ng Dengvaxia dahil sa naging pahayag mismo ng Sanofi na magdudulot ito ng “severe disease” para sa mga taong hindi pa dinadapuan ng dengue virus.

Ipinaliwanag pa ni Garin na sumunod sila sa mga batayan ng World Health Organization (WHO) sa pagsasagawa ng bakuna kontra dengue.

Bilang patunay, sinabi ng dating opisyal na wala naman silang naitalang adverse effects mula sa nasabing uri ng bakuna.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Duque na nagpasya sila na itigil ang paggamit ng Dengvaxia habang isinasailalim sa assessmanent ang nasabing uri ng gamot.

Read more...