Inaabangan ang muling pagbabalik ng University of the Philippines (UP Pep Squad) na hindi sumali sa edisyon ng patimpalak noong 2016 dahil sa iginigiit na hindi makatarungang ‘judging’ na pumabor sa NU.
Samantala, susubukan naman ng National University (NU) Pep Squad na maitala ang kanilang ikalimang sunud-sunod na pagkapanalo.
Itinanghal na “champion” ng UAAP-CDC ang NU mula 2013 na unang magtatanghal mamaya.
Sa kasaysayan ng UAAP-CDC, ang University of Santo Tomas pa lamang ang nakakaabot ng ‘five-peat’ na kanilang nasungkit mula 2002 hanggang 2006.
Narito ang pagkakasunud-sunod ng pagtatanghal ng mga kalahok na pamantasan para sa patimpalak.
1 – NU Pep Squad
2 – DLSU Animo Squad
3 – Adamson Pep Squad
4 – FEU Cheering Squad
5 – UE Pep Squad
6 – UP Pep Squad
7 – UST Salinggawi Dance Troupe
8 – Ateneo Blue Babble Battalion
Magsisimula ang sikat na cheerdance competition mamayang alas-dos ng hapon.