Doktor sa India, binatikos dahil sa pagdedeklarang patay ang isang bagong silang na sanggol

Umabot sa pambansang talakayan ang pagkakamali ng isang doktor sa India matapos ideklarang patay ang isang bagong silang na sanggol kahit buhay pa ito.

Galit na galit ang publiko sa doktor ng pribadong ‘Max Hospital’ matapos ideklarang patay ang sanggol ilang oras matapos ding lumabas ang kanyang kakambal na ‘stillborn’ o patay na nang isinilang.

Napansin na lamang ng mga magulang ng mga sanggol na gumagalaw ang isa sa mga ito sa plastic bag na pinaglagyan sa kanila ng mga doktor.

Nagpupuyos sa galit ang mga mamamayan ng India at nauwi sa pambansang debate ang isyu lalo pa at napakamahal ng halaga ng ‘private healthcare’ sa bansa.

Sa isang tweet, sinabi ni Delhi Chief Minister Arvind Kejriwal na agad niyang ipinag-utos ang imbestigasyon ukol sa insidente.

Habang ang State Health Minister naman ng bansa ay nagsabing maituturing itong isang “criminal negligence”.

Ayon sa lolo ng mga bata, agad na tumungo ang pamilya sa kalapit na ospital ng malamang buhay ang isa sa mga bata.

Sinabi naman ng Max Hospital na ikinagulat nila ang pangyayari at agad na ipinag-utos na magleave ang doktor at nakatakdang maimbestigahan.

Read more...