Walang armadong miyembro ng NPA ang susuko – Palasyo

Tiyak na walang armadong miyembro ng New People’s Army ang susuko sa pamahalaan.

Ito ang paninidigan ng palasyo ng Malacañang sa panibagong banat ni Vice President Leni Robredo sa shoot to kill order ni Pangulong Rodrigo Duterte sa militar at pulis kapag may nakitang armadong rebelde.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, proper military target ng militar ang NPA dahil isang krimen ang rebelyon.

“I assure you, no armed NPA will surrender to authorities. The options are to shoot at an armed rebel or for our men in uniform to be shot at by them,” ani Roque.

Nauna nang ipinahayag ni Roque na ang utos ng Presidente ay naaayon sa itinatakda ng batas.

Una rito, nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Proclamation No. 360 na nagbabasura sa peace negotiations sa National Democratic Front.

Read more...