Sa pamamagitan nito, agad na matatanggal sa pwesto ang mga hepe ng pulisya at unit commanders na mabibigong maresolba ang mga kaso ng stray bullets sa loob ng 24 oras.
Layon ng polisiya na mapahigpit ang pagbabantay ng mga awtoridad sa kanilang mga ‘area of responsibility’ upang maiwasan ang “indiscriminate firing’ na kadalasan ay nagreresulta sa pagkasugat o pagkamatay ng mga natatamaang biktima.
Ayon kay Sr. Supt. Rudolph Dinas, hepe ng PNP Directorate for Operations (DO), 22 insidente ng ligaw na bala ang naitala sa buong bansa mula Dec. 16, 2016 hanggang Jan. 4, 2017 at ikinasawi ng isang tao.
Ayon kay Dinas, maikokonsidera lamang na naresolba ang kaso sakaling maaresto ang suspek.
Inatasan na ng PNP ang Police Commanders sa mga lugar na nakapagtala na ng ganitong mga kaso noon na magsagawa ng pagpapatrolya upang maiwasan muli ang insidente.