Ipinababasura ng may-ari ng warehouse kung saan nasabat ang 6.4 bilyong pisong shabu sa Valenzuela City regional trial court (RTC) ang kaso laban sa kanya.
Sa urgent omnibus motion na inihain ni Chen Lu Jong alyas Richard Tan, hiniling niya sa korte na ipagpaliban ang paghahain ng arrest warrant habang nakabinbin ang kanyang resolusyon na ibasura ang kanyang kasong paglabag sa Section 4 o importation of dangerous drugs sa ilalim ng ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Isinaad ni Tan sa kanyang mosyon na walang hurisdiksyon ang Valenzuela City RTC sa kanyang kaso.
Paliwanag niya, sa ilalim ng Section 1202 ng Tariff and Customs Code na natatapos ang nagsisimula ang importation oras na pumasok sa hurisdiksyon ng Pilipinas ang vessel o aircraft na dala kargamento, at nagtatapos sa pagbabayad ng buwis at iba pa sa port of entry.
Sa kasong ito, nagtapos sa Port of Manila ang ng umano’y importation ng iligal na droga na nakasaad sa charge sheet, kaya wala umanong hurisdiksyon ang Valenzuela City RTC.
Tinangkang umalis ng bansa ni Tan noong Huwebes ngunit hinarang siya ng Bureau of Immigration dahil sa kasong kanyang kinakaharap.
Si Tan ang nagmamay-ari ng Hongfei Logistics Inc. at sa warehouse nito natagpuan ang bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs.