Mahigit 2 milyong pensioners ng SSS, matatanggap na ang kanilang 13th month

Makatatangap na ng kanilang 13th month ang milyun-milyong pensioners ng Social Security System (SSS).

Ayon kay SSS President and Chief Executive Emmanuel Dooc, mula ngayong araw, Dec. 1 hanggang sa Dec. 8 ay makatatanggap na ng 13th month ang 2.2 million nilang pensioners.

Ani Dooc, nai-release na ang halaga ng pensyon sa partner-banks ng SSS mula pa noong November 15 para mabigyan ng mahabang panahon ang mga bangko sa pagre-release ng 13th month kasabay naman ng December pension.

Sinabi ni Dooc na inabisuhan nila ang mga bangko na huwag palalagpasin ng Dec. 8 ang pagre-release ng 13th month pension.

Ang halaga ng 13th month pension ay katumbas ng basic monthly pension ng isang pensyonado.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...