Dalawang miyembro ng NPA, sugatan sa engkwentro sa Leyte

Sugatan ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro na naganap sa Albuera, Leyte.

Naka-engwentro ng mga tauhan ng Philippine Army ang mga rebelde sa bahagi ng Barangay Talisayan.

Tinatayang nasa 10 ang miyembro ng NPA na nakasagupa ng mga sundalo habang sila ay nagpapatrulya sa lugar.

Tumagal ng labinglimang minuto ang bakbakan at wala namang nasaktan sa panig ng pamahalaan.

Habang papalayo, iniwan ng mga rebelde ang kanilang mga armas, bala, at iba pang personal na gamit.

 

 

 

 

 

 

Read more...