6 sugatan sa karambola ng limang sasakyan sa C-5, Pasig

FB Photo | “Taga Pasig Kami”

Nagkarambola ang limang sasakyan sa kahabaan ng C-5 road kanto ng Julia Vargas, sa Brgy. Ugong, Pasig City.

Ayon sa Pasig City Rescue Unit, kabilang sa mga nasangkot sa aksidente ang dalawang L-300 van, isang Isuzu Crosswind, isang Mitsubishi Montero, at isang Mitsubishi Strada.

Tumagilid naman ang Montero at Strada dahil sa lakas ng impact.

Ayon sa rescue team ng Brgy. Ugong, anim ang nasugatan sa insidente, na pawang nagtamo ng minor injuries, habang ang isang babaeng biktima ay dinala sa ospital.

Nagdulot ng matinding pagsikip sa daloy ng trapiko ang aksidente dahil naokupahan ang dalawang lane ng kalsada.

Pasado ala 1:00 ng hapon nang maganap ang aksidente at makalipas ang isang oras ay naialis sa lugar ang mga sangkot na sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng Pasig City Traffic Management Bureau sa nasabing aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...