Hidilyn Diaz, wagi ng dalawang medalya sa International Weightlifting Federation World Championships

FB Photo | Hidilyn Diaz

Dalawang medalya ang nakuha ng Pinay na si Hidilyn Diaz sa International Weightlifting Federation World Championships sa Anaheim, California.

Unang nakakuha ng silver medal si Diaz para sa 113 kilogram clean and jerk at nagwagi siya ng bronze medal para sa overall total score na 199 kilogram.

Ayon kay Diaz, ginawa niya ang kaniyang makakaya at aminadong marami pang kailangang ma-improve sa kaniyang performance.

Kabilang sa tinalo ni Diaz ang 2016 gold medalist na pambato ng Chinese Taipei.

Ang nakasungkit naman ng gintong medalya ngayong taon ay si Sopita Tanasan ng Thailand.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...