Iran at Papua New Guinea, niyanig ng malakas na lindol

Tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa silangang bahagi ng bansang Iran.

Ayon sa US-based pacific tsunami warning center, may lalim ang lindol na 33 kilometers o 20 miles.

Nasa 50 kilometers o 30 miles ng north-northeast ng Kerman ang sentro ng lindol.

Wala pa namang ulat ng pinsala o nasaktan sa pagyanig.

Samantala, magnitude 6.0 na lindol naman ang tumama sa northeast coast ng Papua New Guinea.

Unang nailata ng European-Mediterranean Seismological Center ang lindol sa sukat na 6.3 magnitude, pero ibinaba ito ng USGS.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...