ISIS, nag-aalok ng P100,00 para magkapag-recruit ng bagong miyembro

Kuha nI Chona Yu

Aabot sa P100,000 ang iniaalok na bayad ng teroristang ISIS sa mga residente sa Mindanao para lamang sumanib sa kanilang pwersa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Task Force Bangon Marawi chairman Eduardo Del Rosario na hindi lang sa Marawi kundi maging sa mga kalapit na bayan ginagawa ang massive recruitment ng teroristang grupo.

Dahil dito, sinabi ni Del Rosario na personal niyang irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang umiiral na martial law sa Mindanao region na mapapaso na sa December 31

Kapag aniya nagpatuloy ang batas militar, mapabibilis ang rehabilitasyon sa Marawi City.
Sinabi naman ni Lanao Del Sur Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong na isang pangangailangan para sa kanila ang Martial Law sa Mindanao.

Read more...