Hinarang ng Bureau of Immigration si Chen dakong alas-3:00, Huwebes ng umaga si Chen na sasakay sana China Eastern Airlines tungong Shanghai.
Ayon sa tagapagsalita ng BI na si Antonette Mangrobang, kinakailangan munang kumuha ng negosyante ng allow departure order mula sa Department of Justice (DOJ).
Sinabi ni Mangrobang na matapos hindi payagang umalis ng bansa, nilisan ni Chen ang paliparan.
Si Chen ay nasa lookout bulletin ng BI.
Natagpuan sa warehouse ng Hongfei Logistics Inc. na pagmamay-ari ni Chen sa Valenzuela City ang 602.2 kilo ng shabu na kinumpiska ng BOC at National Bureau of Investigation sa operasyon noong Mayo.