Ayon sa officer in charge ng San Jacinto police na si Senior Insp. Amor Mio Somine, patay agad ang driver ng tricycle na si Jose Rocero, samantalang idineklarang namang patay ang isa sa mga pasahero nitong si Bernardo Moyargas habang nasa daan patungong Manaoag Community Hospital (MCH) sa bayan ng Manaoag.
Bandang alas 4:45 ng hapon kahapon, isang sports utility vehicle (SUV) ang nag-overtake at pinaputukan ang tricycle na minamaneho ni Rocero sa Barangay Sta. Maria.
Sugatan naman ang iba pang mga pasahero na sina Maria Lourdes Rodolfa at Dory Quiros na dinala rin sa MCH para mabigyang lunas.